A Soldier's Love

 



FINAL ASSAULT
by A Soldier's Love

Sa mahigit 3 araw na encounter 4 na MUSANG (Ranger) ang nasawi at 27 ang nasugatan habang nasa frontlines laban sa estimated 200-300 na rebeldeng Abu Sayyaf na nasa advantage position. Sa mga panahong ito nakapag desisyon si Major. Caldeo ng FIRST SCOUT RANGER BATTALION, FIRST SCOUT RANGER REGIMENT na mag order ng FINAL ASSAULT dahil na rin sa patuloy na casualty ng Rangers dahil sa dami ng 50 cal. Machine guns, RPGs, at Mortar fires ng kalaban. Humanap ng dalawang squad o 14 na volunteers si Major Caldeo na kusang loob na sasama sa ika nga SUICIDE MISSION para aakyat sa 80 degrees na bangin para gapangin at aatake sa mismong harapan ng isa sa pinakamalakas at pinamalaking Abu Sayyaf Camp sa Basilan.

Si LT. Herbert Dilag ang naging team leader ng 14 na Rangers na umatake sa 200-300 na rebelde magdamag silang naglakad ng maingat sa 7 kilometrong gubat para malampasan ang 48 improvised Landmines ng kalaban. Tiniis nila ang puyat at inakyat ang 100 na talampakang bangin para mapasok ang posisyon ng kalaban. Sa umpisa palang ng atake halos ma pin down ang tropa sa dami ng kalaban halos maubos sila. Pero mag isang kinuha ni LT. Dilag ang mga tao nyang may tama kinarga nya sa ligtas na lugar at pinalakas ang loob ng mga buhay pang kasama. Si LT. Dilag ang nagsilbing SNIPER na bumabaril sa mga Machine gunner at mga Operator ng Mortar ng kalaban. Sa dami ng natamaan ni LT. Dilag nasiraan ng loob ang kalaban at na pin down nila ang harapang depensa ng Abu Sayyaf kung saan naging daan para makaatake ang main body ng tropa sa baba at maagaw ang kampo ng kalaban.


34 ang confirmed body count ng kalaban na tinamaan ni LT. Dilag sa 2 oras na encounter at ligtas nilang na rescue ang 28 na sibilyang bihag ng Abu Sayyaf.
Share ko lang ang mensahe ni LT. Dilag habang maluha luhang tinatanggap nya ang MEDAL OF VALOR mula sa Presidente ng Pilipinas:


" Nagising kami 2 AM na, lakad na naman kami wala kaming tulog talaga tapos maulan pa. Mabagal lang yung lakad namin kasi walang daanan at magubat yung lugar. Nung nagka-encounter ang isang kamay namin nakahawak sa ugat ng mga kahoy yung isa naman bumabaril. Sa loob ng 24 oras tiniis namin yung terrain,hunger,tension, at fatigue tapos maririnig mo yung halinghing ng mga wounded na kasama mo na nagsasabing, SIR ATRAS NA TAYO, SIR UBOS NA ANG DUGO KO, SIR MABUBUHAY PA BA AKO, . Mga ganun.. Lalong lumalabas ang hindi mo madiskubre na tapang sa loob mo."


Sources: A Soldier's Love Facebook


DISCLAIMER: No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.

No comments