U.S Ambassador Goldberg, Sinungaling?

Image result for goldberg ambassador


Pinabulaanan ni Transportation Secretary Arthur Tugade nitong Miyerkules ang sinabi ni outgoing US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg na palihim siyang nagpunta sa China noong nakaraang Hunyo.

Sinabi ni Tugade na palpak na naman umano ang intelligence network ng Amerika.
“If it is true that Ambassador Goldberg said that, then the fabled American 'intelligence network' has miserably failed again," giit ni Tugade sa isang pahayag na ipinadala sa media sa pamamagitan ng email.

"Tsismis yan. I was never in Beijing in June! You can always examine my passport anytime," ayon kay Tugade.

Sinabi ni Goldberg sa isang panayam sa telebisyon noong Martes na batid umano niyang sina Sen. Alan Peter Cayetano at Tugade ay tahimik na pumunta sa China noong Hunyo, bago pa man bumisita si Pangulong Duterte sa Beijing kamakailan.

Nagbunga ang biyahe ng Pangulo sa China ng aabot sa $24 billion na investment at pautang (soft loan).

Wala pang komento si Cayetano sa pahayag ni Goldberg. 

Sources: GMA Network

No comments