U.S hininto ang pagbenta ng 26,000 rifles sa Pilipinas

Image result for pictures of many rifles

Ipinatigil ng US State Department ang planong pagbebenta ng 26,000 assault rifles sa Philippine National Police (PNP) matapos sabihin ni US Senator Ben Cardin na tututulan niya ang bentahan.
Sinabi umano ni Cardin ang kanyang pag-aalinlangang bentahan ng armas ang Pilipinas dahil umano sa nagaganap na human rights violation sa gitna ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon sa ulat ng InterAksyon, ipinagkibit-balikat lamang ni Senador Panfio “Ping” Lacson ang naunsyaming pagbebenta ng mga baril sa PNP.
Ani Senador Lacson, na dati na ring naging Director General ng PNP, wala namang ibang nawala sa Pilipinas dahil sa hindi natuloy na bentahan ng baril kundi isang “gun store” lamang mula sa marami pang pagpipiliang mga bansa na nagbebenta ng mga armas.
Gayon pa man, sinabi ni Lacson na isang magandang rason ang nangyari upang muling buhayin ng Department of National Defense ang “self-reliance program” upang ang ating bansa mismo ang gumawa ng mga sariling sandata, mga bala at iba pang gamit-militar.


Sources: interaksyon

No comments